Rabiya Mateo, handa nang pasukin ang showbiz; pipirma na ng kontrata sa isang TV network!

Handang-handa na si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Ayon sa dalaga, ready na siyang sumabak sa pagiging artista at magsisimula nga ito pagkatapos niyang ipasa ang kaniyang korona sa susunod na Miss Universe Philippines winner.

Kinumpirma ni Rabiya na very soon ay pipirma na siya ng exclusive contract sa isang TV network pagkatapos ng kaniyang journey bilang beauty queen.

Walang binanggit na network si Rabiya pero nauna nang napaulat na nakipag-meeting ang beauty queen sa GMA Network.

“I’m also excited to turn over my crown on September 25 because I will be signing with a TV network here in the Philippines, and I might start doing acting,” pahayag ni Rabiya nang makausap niya si 2020 Miss Universe Indonesia Ayu Maulida.

Ngayon pa lang ay excited na si Rabiya sa pagsabak niya sa larangan ng pag-arte dahil alam niyang ibang challege naman ang haharapin niya rito.

“It’s a different chapter. Me being a beauty queen is about to end, but we’re about to open a different one and this is Rabiya as an actress. I’m excited about it.

“I know it’s not going to be easy. I need to do some workshops to improve my acting skills, but I am up for it. If I was able to do Miss Universe back, then I can do this also,” dagdag pa ni Rabiya.

Tinanong rin si Rabiya kung may plano ba siyang sumali sa ibang beauty pageant pagkatapos ng kaniyang Miss Universe Philippines reign.

“A lot of people have been pushing me to join a different pageant. But for now, I just wanna rest my body and my mind because Miss Universe is no joke. I just want to rest for now.

“But I am not closing any door as of the moment because we’ll never know. Give it two or three years, I might have a different answer, so let’s just see,” ani Rabiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *