Rabiya Mateo, certified Kapuso na!

Kapuso na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network ngayong araw, November 18.

Ayon sa bagong Kapuso, masaya siya na natupad na ang pangarap niyang maging artista. Aniya, “To be honest, kanina, para akong maiiyak.”

“Because it’s the joy talaga of fulfilling another dream. Of the trust na ibinigay sa’yo ng network to give you projects,” ani Rabiya, dagdag pa rito ang pasasalamat niya sa GMA Network na nakitaan siya ng potensyal.

“To be honest, I am not that well-experienced pero they believed in the potential that they saw in me,” aniya. “Ako I am just grateful. I am just honored to be here to be part of the GMA family.”

Bago siya pumirma ng kontrata sa GMA Network at maging ganap na Kapuso, sumabak muna siya sa kaniyang kauna-unahang acting project sa “Gabi ng Lagim IX” Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ipinalabas ang naturang episode noong October 31 kung saan ginampanan ni Rabiya ang role ng babaeng ginagambala ng maligno sa Marinduque na kung tawagin ay “Bungisngis” o “Ngisngis.”

Ang naturang episode ay idinirek ng award-winning director na si Adolf Alix Jr. kaya naman talagang maganda ang kinalabasan ng first acting project ni Rabiya.

Una nang sinabi ni Rabiya na nais niyang subukan ang showbiz matapos ang kaniyang pagiging 2020 Miss Universe Philippines.

Ngayong matatawag nga na isa na siyang ganap na artista, anu-ano naman kaya ang mga projects na gagawin niya at sinu-sino kaya ang mga makakatrabaho niya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *