Rabiya Mateo, binura na si Jeric sa IG; nag-unfollow na sa isa’t isa

Binura na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang mga litrato ng kanyang kasintahan na si Jeric Gonzales sa kaniyang instgram account.

Hindi na pina-follow ng dalawa ang isa’t isa sa kanilang instgram account. At wala na rin sa account ni Rabiya ang anumang mga “proof” ng kanilang relasyon.

Umpisa pa lang daw ng relasyon nila Rabiya at Jeric ay away-bati na ito, wala raw katahimikan ang relasyon ng dalawa kaya naman may iilang hindi na nagulat sa nangyari.

Aawayin daw ni Rabiya si Jeric at sa di kalaunan ay siya rin daw ang mangaamo sa aktor, ito raw ang “style” ng Beauty Queen. Ang nangyayari daw kay Jeric ay emotional blackmail.

Kasalukuyang nasa taping ngayon ng Start Up Phillipines si Jeric.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *