Proud to be Kapuso: Xian Lim, gustong makatrabaho sina Marian Rivera at Bea Alonzo

Kahapon ay nagkaroon ng media conference with the entertainment press ang bagong Kapuso actor na si Xian Lim na mag-uumpisa na sa taping ng Love. Die. Repeat. kasama si Jennylyn Mercado.

Noong July ay napanood si Xian Lim sa isang TV special ng isang e-commerce platform na ipinalabas sa GMA-7.

Sa nasabing TV special ay nakasama niya ang ilang Kapuso stars tulad nina Willie Revillame, Lani Misalucha, Kate Valdez, Gil Cuerva, Juancho Triviño, Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan.

Sandali lang nakasama ni Xian ang mga nabanggit na mga artista ng GMA in one stage pero ngayon, mas matagal na siyang mapapanood sa GMA dahil sa serye nila ni Jennylyn.

Sa upcoming series, makakasama nila ni Jennylyn sina Gardo Versoza, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Victor Anastacio, at Lui Manansala.

Samantala, proud si Xian sa pagiging Kapuso niya ngayon. Wala raw siyang naging hesitation o apprehension nang tanggapin niya ang nasabing project.

Aniya, “It only took one phone call and ‘yung ngiti ko po ay abot tenga kaagad.”

Na-shock daw siya nang matanggap ang tawag na ino-offer ang Love. Die. Repeat. kaya nag-yes kaagad siya.

“Of course, I was really shocked and grateful when I got the call but instantly, I said yes,” pahayag ni Xian.

Willing din daw siyang mag-ikot sa ibang shows ng Kapuso if ever na bibigyan siya ng chance. At ang isa sa gusto niyang puntahan at super fan siya ay ang Bubble Gang dahil favorite niya si Michael V.

Gusto rin daw niyang makilala at makatrabaho ang iba pang GMA artists ngayong nakatungtong na siya sa Kapuso Network at numero uno sa kaniyang listahan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“With Ms. Marian po kasi, she’s very passionate and ‘yung mga ginagawa n’yang proyekto, there’s always something different. I would say it’s very intense,” pahayag ni Xian sa panayam sa kaniya kahapon.

Maliban kay Marian, nais din niyang makasama sa proyekto ang big stars ng GMA na sina Dingdong Dantes, Maine Mendoza, Rocco Nacino, Carla Abellana, at Tom Rodriguez.

Patuloy ni Xian, “Aside from Ms. Marian, siyempre, si brother Dingdong Dantes, isa sa mga gusto ko ring makatrabaho. Aside from being a biker, bata pa lang ako iniidolo ko na s’ya.

“Of course, si Maine Mendoza, definitely, nakakatuwa kasi iba’t iba po kasi ‘yung mga genre na ginagawa nila so sila Ms. Carla Abellana, si Tom Rodriguez din, we used to work together way back and sina Rocco who is a good friend of mine and my neighbor.

“Sana makatrabaho ko rin po sila. They seem like people na parang ‘pag nakita mo, magiging kaibigan mo sila.”

Nais din daw muling makatrabaho ni Xian ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo ngayong nasa parehong istasyon sila. Nagkasama ang dalawa sa isang TV series sa ABS-CBN kung saan may special participation si Xian.

“I hope I get a chance to work with Ms. Bea. Nagkatrabaho kami before sa A Love To Last and sana masundan, very short lang po ‘yung time namin do’n.”

Dagdag pa ni Xian, “Also si Heart Evangelista, sila Lovi Poe, marami. Sana mabigyan po ako ng chance to work with them.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *