‘Prima Donnas,’ may special announcment mamaya sa ’24 Oras’!

Nagkaroon ng special virtual meeting ang lead stars ng top-rated afternoon drama ng GMA-7 na Prima Donnas noong February 19.

Sa nasabing virtual meeting, inanunsyo ng program manager ng Prima Donnas na si Redgynn Alba ang magandang balita mula sa chairman and CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon, na naglabas ng rare commendation dahil sa matagumpay na pag-ere ng palabas.

Present sa meeting sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

Kasama rin nila sina Will Ashley, Eunice Lagusad, Benjie Paras, at si Sofia Pablo. Hindi nakasama si Sofia sa pagbabalik ng Prima Donnas dahil hindi siya pinayagang mag-lock in taping dahil 14 years old pa lang siya.

Maliban sa papuring natanggap nila kay Gozon, may inanunsyo rin sina Ms. Redgynn at ang direktor na si Gina Alajar na ikinagulat ng lahat.

Tungkol kaya saan ang announcement? Alamin ang buong detalye mamayang gabi sa 24 Oras.

Samantala, abala naman ngayon sina Ms. Redgynn at Gina Alajar sa upcoming series na Nagbabagang Luha na pagbibidahan naman nina Rayver Cruz at Glaiza de Castro. Hango ang serye sa pelikulang pinagbidahan noon nina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Richard Gomez, at Alice Dixson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *