‘Prima Donnas,’ magkakaroon ng season 2?

Katatapos lang ng top-rating Kapuso afternoon series na Prima Donnas nitong Biyernes, February 19, pero marami nang manonood ang umaasang magkaroon ng Book 2 ang inabangang kuwento ng tatlong Prima Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo).

Sinubaybayan ng mga manonood kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok sa kamay nina Brianna at Kendra.

Maging ang Chairman and CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe L. Gozon, sa pambihirang pagkakataon, ay pinuri ang buong cast, creative team, at production crew ng serye dahil sa matagumpay at record-breaking na pamamayagpag nito sa ere.

Sa kabuuang pag-ere ng serye mula August 19, 2019 hanggang February 19, 2021, consistent ang pangunguna nito sa Philippine afternoon television ratings. Sa katunayan, nakapagtala noong February 11, 2021 ng record-high 14.2% rating ang Kapuso afternoon drama series.

Ayon sa datos ng NUTAM mula July 2007 hanggang February 18, 2021, walong spot ang nakuha ng Prima Donnas sa Top 10 most watched afternoon drama episodes in the Philippines.

Dahil sa mga tagumpay na ito, pinalakpakan mismo ni Atty. Gozon ang staff ng palabas dahil sa kanilang “hard work and passion for excellence,” at tinawag pa silang “best assets” ng kumpanya.

Nakasulat sa commendation memo, “It is my great pleasure to commend the creative and production teams and artists of ‘Prima Donnas,’ the undisputed Top Daytime Program on Philippine television.

“The GMA Management recognizes your hard work and passion for excellence, overcoming production difficulties set before you during this time of the pandemic, to ensure that ‘Prima Donnas’ consistenly embodies the Kapuso’s mission and commitment of providing only the best entertainment programs for the Filipino viewers worldwide and across media platforms.

“On behalf of GMA Network, Inc., please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well done and for constantly bringing pride to our company. You are truly our best assets.

“Mabuhay kayo, mga Kapuso!”

Kabilang na ang Prima Donnas sa listahan ng mga high-rating Kapuso programs tulad ng Marimar, Mulawin, Darna, The Half Sisters, at Ika-6 Na Utos na nakatanggap ng papuri mula sa top management ng GMA Network.

Samantala, makahulugan naman ang ipinost ni Aiko Melendez sa Facebook na tila pahiwatig na magkakaroon pa ng karugtong ang Prima Donnas.

Post ni Aiko, Kendra Fajardo ‘Claveria’ wannabe is signing off… Pero wag din kayo pakakasiguro hahahaha!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *