‘Prima Donnas’ at ibang Kapuso afternoon shows, record-breaking ang ratings!

Taos puso ang pasasalamat ng Kapuso Network sa mga tumatangkilik ng mga programang nasa GMA Afternoon Prime block dahil record-breaking ang ratings na natatanggap nito ngayon.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines noong Huwebes, February 4, nangunguna ang drama series na Prima Donnas na nakakuha ng 13.4%, pumangalawa naman ang TV adaptation ng 1989 award-winning blockbuster film na Bilangin ang Bituin sa Langit na may 10.7%.

Hindi rin papatalo ang drama series na Magkaagaw na may 9.7% sa nasabing People Ratings chart.

Sa kasalukuyan, umeere ang mga bagong episode ng Prima Donnas na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

All-new episodes rin ang ineere ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pinagbibidahan ni Superstar Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Zoren Legaspi.

Samantala, recap episodes naman ng Magkaagaw ang ipinapalabas ngayon bago ang fresh episodes na magsisimula sa February 15. Pinangungunahan ang serye ng acclaimed actresses na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, kasama sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Sa taas ng ratings ng Daytime programs ngayon na halos katumbas ang ratings ng primetime ratings noong nakaraang taon, patunay lang ito na hindi rin gaanong nawala ang mga manonood sa free TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *