Premyadong aktres, magiging Kapuso na rin; Mga bigating project, naghihintay na!

Sino kaya itong award-winning actress na magiging Kapuso na rin very soon.

Iba-iba ang hula ng netizens kung sino ang napapabalitang aktres na mag-oober da bakod na sa GMA-7.

Pagkatapos ngang pumirma ng kontrata ng magaling na aktres na si Beauty Gonzalez at ng komedyanang si Pokwang, isa pang premyadong aktres ang nakatakdang mapanood sa mga upcoming project ng GMA.

Ngayon pa lang ay excited na ang Kapuso viewers na malaman kung sino nga ang lilipat na award-winning actress at talagang hinuhulaan nila kung sino nga ito.

Sigurado nang may nakalinyang mga bagong proyekto para sa kaniya ang Kapuso Network sakaling matuloy na ang paglipat ng aktres.

Ayon sa isang executive ng GMA, tiyak daw na magiging asset ng network ang aktres dahil talagang love na love siya ng Filipino audience mula noon hanggang ngayon.

Marami nang naglalabasang pangalan base sa comments ng netizens pero abangan na lang natin ang grand reveal very soon on GMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *