Pops Fernandez, balik sa GMA-7

Nagbabalik sa Kapuso Network ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Makakasama ang Concert Queen sa upcoming reality show ng network na Centerstage, kung saan makakasama nya ang Soul Flair Songstress na si Aicelle Santos at musical director na si Mel Villena. Silang tatlo ang magiging resident judges ng reality show na magtatampok ng mga talentadong bata.

Para sa kaalaman ng mga millenial na marahil ay hindi na naabutan, matagal ding napanood noon sa Kapuso Network si Pops Fernandez dahil sya ay host ng The Penthouse Live kasama si Martin Nievera. Ipinalabas ito mula noong 1982 hanggang 1987.

Sa The Penthouse Live din sinundan ng mga manonood ang on-and-off-cam love story nina Martin at Pops. Dito namuo ang pag-iibigan ng dalawa na nauwi sa kasalan noong 1986.

Noong 1995, magkasama rin ang dalawa bilang pangunahing host ng nagsisimula pa lang noong Sunday musical show na ASAP.

Matagal ding nagsama ang dalawa pero nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2000.

Pops Fernandez and Martin Nievera in The Penthouse Live

Sa Centerstage, isa si Pops sa mga judge at posibleng mag-perform din paminsan-minsan. Ginagawa ito ng mga judges at hosts ng The Clash, kaya hindi malayong gawin din nina Pops at Aicelle.

Si Alden Richards ang host ng Centerstage. Hindi pa sinasabi kung kailang magsisimulang i-ere ang Centerstage at kung sino ang director.

ALSO READ: GMA Upcoming Shows for 2020

First time makakasama ni Pops sina Aicelle at Alden, samantalang si Mel naman ay naging musical director na yata ni Pops sa kanyang mga concert.

Ang Centerstage ay magtatampok ng mga batang edad 7 hanggang 12 na sususbuking kalabanin ang ibang bata upang hindi maagaw ang kanilang pwesto sa center stage.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *