Pinoy Adaptation ng ‘Descendants of the Sun’ matutuloy na ngayong 2019!

Ang Descendants of the Sun ay ang Koreanovelang pinagbidahan ng ngayo’y mag-asawa na na si Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo.

Matatandaang inanunsyo noong 2017 na gagawa ang GMA Network ng Pinoy Adaptation ang Descendants of the Sun.

Si Alden Richards ang napipisil noon na gumanap bilang Lucas, ang role na ginampanan ni Song Joong-Ki.

Dalawa noon ang nababalitang pinagpipilian sa role ni Song Hye-Kyo, si Maine Mendoza at ang noon ay TV5 Star na si Jasmine Curtis-Smith.

Finally, ngayong taon ay matutuloy na ang Descendants of the Sun ngunit tila wala pang final cast.

Vehicle to Stardom

Karaniwan nang ginagamit ang mga Local Adaptation para i-launch ang mga career ng mga baguhang artista ng GMA.

Ang Marimar ang nagpasikat kay Marian Rivera at mula noon ay tinagurian na syang Primetime Queen ng GMA.

Sa Rosalinda naman unang nakilala ng mga manonood si Carla Abellana.

Si Gil Cuerva naman ay sa remake ng My Love From The Star unang nakilala.

Netizens’ Bets

Ang mga solid AlDub fan ay masugid pa ring humihiling sa GMA na muling pagtambalin ang kanilang mga idolo na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

May mga netizen din na humihiling na sana ay si Jennylyn Mercado ang kunin para gumanap bilang Maxine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *