‘Pinas Sarap’ ni Kara David, mapapanood sa GMA-7

Mapapanood sa GMA-7 ang ‘Pinas Sarap’ ngayong Sabado, May 2! Ibabahagi ni Kara David ang superfoods na pampalakas ng resistensiya at recipes na pwede n’yong gayahin.

Kaabang-abang ang bawat episode ng ‘Pinas Sarap’ kung saaan ibinibida ang mga pagkain at luto na sikat sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ngunit ngayong Sabado, May 2, espesyal ang handog na episode ng ‘Pinas Sarap’ dahil mga superfood o pagkaing pampalakas ng resistensya ang kanilang ibibida.

Napapanahon ang episode na ito ngayong may pinagdadaaanan tayong COVID-19 pandemic.

Importanteng manatiling malusog at malakas ang resistensya upang makaiwas sa kinatatakutang sakit.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Kara David kung anu-ano ang dapat abangan sa kanilang Superfoods episode.

At bukod sa tampok na paksa, espesyal din ang Superfoods dahil ito ang kauna-unahang episode ng ‘Pinas Sarap’ na eere sa GMA. Mapapanood ito ngayong Sabado, 4:05 PM, pagkatapos ng iWitness sa GMA-7.

Natatangi rin ang kanilang shooting experience dahil ang asawa ni Kara David na si LM Cancio ang nagsilbi niyang cameraman. Ika nga ni Kara, “Parang DIY episode ito.”

Pinas Sarap host Kara David with his husband LM Cancio

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *