Pia Wurtzbach, nagsalita patungkol sa pang-aabuso ng kaniyang dating nobyo

Kamakailan lang ay naging guest speaker si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa TED Talk.

Ang TED Talk ay kilala at isa sa mga pinakarespetadong event na nagsimula noon pang 1984. Itinuturing itong isang magandang oportunidad para sa mga tagapakinig at mga tagapagsalita na makapagbahagi at mabahagian ng magagandang saloobin at ideya patungkol sa iba’t ibang larangan ng buhay. Madalas ay malalaking pangalan ang naiimbitahang magsalita para dito.

Sa speech ni Pia, naibahagi nya na nagkaroon siya ng abusive relationship at kung gaano ito nakaapekto sa kanyang mental health. Ikinagulat ito ng mga tagapakinig dahil ito ang kauna-unahang beses na nagbahagi si Pia ng impormasyon patungkol sa kanyang relasyon.

“My first serious relationship was an abusive one, and it was one of the hardest times of my life. I was psychologically manipulated, physically, mentally, and psychologically.

“I was drained. He made me quit my job. I stopped seeing my friends. I stopped making my own money.

“I gave him everything I had, financially, mentally, emotionally, I gave it all.

“The best thing I did was to find the courage to break up with him and jump into my passion, pageants,” ani Pia sa kaniyang speech.

Bagamat marami ang naghuhula kung sino ang dating nobyo na ito ni Pia, binigyang diin niya sa mga sumunod na interview na hindi layunin ng kaniyang speech na tuntunin ng mga tagapakinig ang dati nyang nobyo na nang-abuso sa kaniya.

Ang layunin ng kanyang pagsasalita ay upang ipaglaban ang karapatan ‘di lamang ng mga kababaihan kundi nang nakararami, na dumadaan ngayon sa pagsubok.

Isa ang Mental Health Awareness sa ina-advocate ni Pia kaya nya rin ito nabanggit.  Ayon pa sa kanya, sa kanyang paglalantad, hangad niya na magkaroon ang mga kababaihan ng katapangan upang ipaglaban ang kanilang sarili laban sa mga mapang-abusong karelasyon.

Ipinapabatid din ng dating Ms. Universe na hindi dapat isipin ng sino man na sila ay mag-isa. Maraming tao ang tutulong sa kanila at kahit kailan ay ‘di nila dapat isakripisyo ang sarili para lang maging masaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *