Pelikula ni Dennis Trillo, umani ng standing ovation sa Venice International Film Festival

Nakakakilabot makita na ang mga Pinoy ay pinapalakpakan sa ibang bansa dahil sa kahusayan.

Tulad nga nang naranasan ng grupo nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Erik Matti, Dondon Monteverde, mga taong bumubuo sa pelikulang On The Job: The Missing 8 na kasali ngayon sa Venice International Film Festival sa Italy.

Makikita nga sa Instagram story ni Mauro Puddu ang video matapos ang preview ng pelikula ni Dennis. Masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanila sa tuwing binabanggit ang pangalan nila.

At hindi pa roon nagtapos, dahil talagang nagtayuan pa ang mga tao habang pumapalakpak. Maririnig din ang sigawan habang pinapatugtog ang isang awiting Pinoy.

“Dennis Trillo, Erik Matti deserved standing ovation by @labiennale #venice for your @onthejob the missing 8,” saad ni Mauro Puddu sa kaniyang IG story.

Video Credit: Mario Puddu (IG: @mauropuddu83)

Sa Instagram naman ni Dennis ay makikita ang photo nila sa pagrampa sa naturang film festival. Kasama niya sa photo sina Direk Erik, Dondon, at iba pa.

Mensahe naman ni Dennis sa kaniyang co-star na si John Arcilla sa comments section, “Sayang po at hindi kayo nakasama dito!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *