Parasite, Best Picture nominee sa Oscars!

Nominated ang South Korean movie na Parasite sa 92nd Academy Awards sa pinakamataas nitong kategorya na Best Picture.

Sa kasaysayan ng Academy Awards, wala pang nananalong foreign-language movie sa Best Picture category.

Ang Parasite ay ikalabing isa sa mga non-English language film na na-nominate para sa kategoryang Best Picture at ika-anim naman sa na-nominate sa parehong Best Picture at Best International Feature Film categories.

Kabilang sa mga double nominees ay ang mga pelikulang Roma ng Netflix (2019), Z ng France (1969), Life is Beautiful ng Italy (1998), Crouching Tiger, Hidden Dragon ng Taiwan (2000), at ang collaboration movie ng France, Germany, at Austria na Amour (2012).

Ang mga nabanggit na pelikula ay nakapag-uwi ng Best International Feature Film Award pero wala pa ni isa ang nanalo sa Best Picture category.

First time naman na ma-nominate ang isang Korean film sa Best International Feature Film kaya malaki na rin itong karangalan para sa kanilang bansa.

Maliban sa dalawang kategorya, nominated din ang Parasite sa mga kategoryang Best Director, Best Original Screenplay, Best Production Design, at Best Film Editing.

Kumita ng USD $107 million (kasama na ang USD $73 million na kinita nito sa South Korea) ang Parasite sa iba’t-ibang teritoryo kung saan ito ipinalabas.

Kasalukuyan namang ipinapalabas sa United States ang Parasite kung saan kumita na ito ng USD $24.4 million.

Sa kabuuan, kumita na ng USD $130.4 million ang pelikula.

Bukod sa Oscars, nakapag-uwi na ng award ang Parasite. Nanalo itong Best Motion Picture (Foreign Language) sa Golden Globes at Best Picture naman sa National Society of Film Critics.

Dito sa atin sa Pilipinas, wala pang nano-nominate na pelikula kahit sa kategoryang Best International Feature Film ng Academy Awards. Hindi rin nakakapasok as nominee ang mga nananalo sa FAMAS o ang counterpart ng Academy Awards dito sa Pilipinas.

ALSO READ: 67th FAMAS Awards (List of Winners)

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *