Paolo Contis, nagsalita na sa isyung hiwalayan; nag-sorry kina LJ Reyes, Lian Paz, mga bata

Binasag na ng Kapuso star at ‘A Faraway Land’ lead actor na si Paolo Contis ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyung hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Humingi ng paumanhin ang aktor kay LJ, dati niyang asawang si Lian Paz, maging ang kanilang mga anak kasunod ng paghihiwalayan nila ni LJ.

Sa kaniyang pahayag sa Facebook, Miyerkules, nangako si Paolo na pagsisikapan niyang maging mas mabuting tao at humingi ng tawad sa lahat ng mga nasaktan dahil sa isyu.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise,” saad ni Paolo.

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you,” patuloy niya. “To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.”

Inamin ni Paolo na third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan pero nilinaw niya na hindi involve sa isyu ang kaniyang co-star sa ‘A Faraway Land’ na si Yen Santos.

Humingi rin ng paumanhin ang aktor kay Lian, kung saan mayroon siyang dalawang anak, at sa kaniyang nanay at kaniyang team.

“I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin,” aniya. “I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.”

Humingi si Paolo ng privacy at dasal para sa kaniyang pamilya. May mensahe rin siya sa mga basher na walang tigil sa pambabash sa kaniya.

“Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *