Pang-dyowa daw! Sanya Lopez, inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla

Hindi itinago ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kaniyang paghanga sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Pagbabahagi ng First Yaya star, “Ang lakas nga ng dating niya. Si Daniel, ano siya, pang-dyowa siya.”

Isa kasi si Daniel Padilla sa listahan ng mga aktor kung saan pipili si Sanya kung dyodyowain ba niya o totropahin, isang sikat na challenge sa nga YouTubers.

Bumilib ang Kapuso star sa pagiging sweet ni Daniel sa kasintahan na si Kathryn Bernardo.

“Parang pag naging girlfriend ka niya, aalagaan ka niya nang sobra-sobra,” dagdag pa ni Sanya.

Ikinuwento rin ng dalaga ang mga pangyayari noong una niyang makita sa personal ang aktor.

“Nakita ko yan si Daniel one time sa isang mall, grabe siya kung paano [makisalamuha] sa mga tao talaga. Doon ko nakita na nasabi ko, ‘Ah, kaya siya Daniel Padilla it’s because kung paano siya makitungo sa talagang sumusuporta sa kaniya’,” salaysay ni Sanya.

Minsan daw ay may nakita siyang isang matangkad na lalaking naka-cap at naglalakad galing sa sinehan. Paglalarawan ni Sanya ay malakas daw ang dating.

Naging palaisipan pa noon kay Sanya kung sino ‘yung lalaki hanggang sa may sumigaw ng pangalan nito at nakumpirma niyang si Daniel ito.

Dinumog raw ang aktor ng fans kaya may guard na lumapit para pigilan ang mga ito. Ngunit ang sabi raw ng aktor ay hayaan lang ang fans at siya pa mismo ang kumuha ng cellphone para makipag-picture taking kasama ang supporters niya.

“Walang kaere-ere. Ito ‘yung mga nagugustuhan ko sa isang artista,” pag-amin ni Sanya.

Isa lang si Daniel sa listahan ni Sanya na “dyodyowain,” kasama rin sa listahan sina Gil Cuerva, Ivan Dorschner, Kokoy de Santos, Joshua Garcia, Marco Gumabao, James Reid, at Atom Araullo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *