Pagpapatanggal kay Kim Chiu sa ‘It’s Showtime,’ itinanggi!

Noong nakaraang linggo ay pumutok sa social media ang ispekulasyong tatanggalin na umano si Kim Chiu sa It’s Showtime.

Mas pinatibay pa ang mga haka-hakang ito nang mapansin ang katahimikan ni Kim sa paghu-host ng programa noong August 28.

Bukod pa rito, wala na raw siyang hinu-host na sarili niyang segment.

Noong August 29, may cryptic post naman si Kim tungkol sa pagiging taken for granted dahil sa kabaitan.

Ni-repost ang kaniyang naturang post ng kasintahang si Xian at in-assure siyang mahal siya nito at ng publiko.

Nananatili namang tahimik ang dalawa sa ibig sabihin ng quotes na ito, pero marami ang nagkonekta nito sa pagiging tahimik ni Kim sa It’s Showtime nitong mga nagdaang araw.

Pero nito lang Biyernes, September 3, pinag-usapan ng mga host ng It’s Showtime ang fake news kung saan tila relate ang karamihan sa mga hosts dahil minsan na rin daw silang naging biktima nito.

Ayon kay Vhong, may kumalat daw noon na parte siya ng grupo na kumikita sa bitcoin.

Si Vice naman daw ay nangyari kamakailan lang. Ang tinutukoy niya ay ang mga tweet raw niya na matapos lumipat ng GMA-7 ang kaibigang si Bea Alonzo ngunit wala namang nailabas umanong ebidensya.

Dagdag pa ni Vice, minsan rin daw ay napabalitang patay na siya habang nasa Hong Kong siya. Tumawag pa raw si Vhong sa kaniya para kumpirmahin ito.

Tinanong naman ni Vice ang co-host na si Kim Chiu kung ano ang mga nabasa niyng fake news ukol sa kaniya.

Sagot naman ni Kim, “Tatanggalin daw ako dito.”

Tumawa naman ang kaniyang mga co-host dahil sa sinabi ng dalaga.

Dagdag pa ng TV host-actress, “Araw-araw kasi ‘yun, eh. Ang sakit sa ulo.”

Sabi naman ni Vice, marami raw ang naniniwala sa fake news na ‘yun at inaaway ang It’s Showtime.

Payo naman ni Vice, maging mapanuri sa bawat nababasa. Aniya, “Mas maging extra careful at piliin din ang mga binabasa. Tingnan muna kung kanino galing.”

Samantala, hanggang sa ngayon ay tahimik pa rin si Kim tungkol sa mga cryptic post niya sa social media.

Dapat din ay iwasan nila ang mga ganitong bagay dahil dito rin nag-uugat ang fake news. Kung hindi kayang panindigan, ‘wag na lang i-post.

Hindi mo rin naman masisisi ang netizens na magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon base sa nakikita nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *