Pagpapabakuna ni Alden Richards, iniintriga!

Proud na ifinlex ni Alden Richards sa kaniyang social media accounts noong Sabado, July 24, ang kaniyang braso na may band-aid at sinabing nabakunahan na siya ng COVID-19 vaccine.

Pinili raw niya na magpabakuna na – not only for his own safety kundi pati na sa kaniyang pamilya at sa komunidad.

Nanawagan rin ang aktor sa mga Pinoy na huwag nang mag-atubili at i-take na ang chance na magpabakuna kung may available na rin lang naman.

“Vaccinated! By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself & my family, but also my community.

“Tulung-tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you so we can reach herd immunity. It will act as a barrier against the virus. #IngatAngatBakunaLahat,” caption ni Alden sa kaniyang litrato.

Nakyutan naman ang karamihan sa netizens at fans ni Alden sa ipinost niyang picture, lalo na sa braso niya.

“Congrats! At least kampante na kami na you are vaccinated! Kahit papa’no you are protected from the virus. But just the same, keep safe and healthy. Miss you much! @aldenrichards02”

“Ano ba pine-flex mo rito, ‘yung vaccine spot o maskels (muscles) mo?”

“Kapag si Alden, naka-band aid, ‘pag kami, bulak lang.”

“Paps @aldenrichards02 tawang-tawa ako rito sa comment sa’yo sa FB post mo. Why naman kasi ganu’n? Whahahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *