Paglipat ni Lovi Poe, hindi kasing-ingay ng kay Bea Alonzo

Matapos mag-post ng Dreamscape Entertainment noong Thursday, September 9, sa kanilang social media accounts tungkol sa “A precious jewel finds a new home 09.16.2021” na may hashtag na #JustLove ay marami ang nag-isip na tila kumpirmado na nga ang paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya Network.

Bigay na bigay daw kasi lalo na sa clue sa pa-hashtag na ‘yon ng production unit ng ABS-CBN na pinamamahalaan ni Deo Endrinal.

Marami naman ang nakapansin na hindi kasing-ingay ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network ang ingay ngayon sa social media sa napipinto umanong career move ng premyadong Kapuso actress na si Lovi.

Naka-125 shares lang kasi ang naturang post ng Dreamscape Entertainment, mas mababa kung ikukumpara sa 9.9K shares ng pa-teaser ng GMA-7 sa contract signing ni Bea sa Kapuso Network.

Samantala, tahimik lang ang management team ni Lovi tungkol sa isyu. Nasa quarantine pa that time sa isang hotel sa Pasay City si Lovi noon at ngayon ay tinatapos ang quarantine sa bahay niya.

Hindi naman sumasagot ang kaniyang manager na si Leo Dominguez sa mga nagtatanong tungkol sa napapabalitang pagpirma ng aktres ng kontrata sa ABS-CBN.

Hindi na rin pini-feature sa website ng GMA Network si Lovi kaya naman mas lumakas ang kutob ng mga Kapuso netizens na iiwan na nga ni Lovi ang Kapuso Network na naging tahanan ng aktres sa loob ng 15 taon.

Ayon sa nakarating sa aming balita, ang magiging first teleserye daw ni Lovi bilang Kapamilya ay co-production sa isang international company.

Isang premyadong aktor ang napipisil umano na maging leading man ni Lovi sa series na ‘yon at dream come true raw para sa kanilang dalawa na makatrabaho ang isa’t isa.

Siguro nga ay mas matimbang para kay Lovi ang proyektong ito dahil nabalitaan naming nag-counter offer umano ang Kapuso Network kay Lovi ng isa ring big project.

Well, abangan na lang natin sa September 16 ang sinasabing pagwe-welcome kay Lovi bilang Kapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *