Obra ni Jose Rizal, gagawan ng TV Series ng GMA!

Muling nasasabik ang netizens at TV viewers dahil sa isa na namang big-budget TV series ang nakatakdang gawin ng GMA Network.

Naglipana na sa social media ang mga fan art para sa naturang show at marami na ang nag-aabang para mapanood ang period drama na ito.

Photo Credit: Lads Sorio
Photo Credit: Kapuso Universal Artist

Marami ang nag-akala na gagawan ng magkabukod na TV adaptation ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Pebrero noong nakaraang taon pa inanunsyo ng GMA Network na magpoprodyus nga sila ng isang teleseryeng hango sa isang karakter mula sa mga nobela ni Rizal.

Para mawala ang mga agam-agam at maling impormasyon ay tinanong na namin ang mismong susulat ng teleplay nito, walang iba kundi ang napakahusay na teleplay writer na si Ms. Suzette Doctolero.

Si Ms. Suzette ang nasa likod ng ilan sa mga matagumpay na period drama na kinabibilangan ng Amaya (2011), Indio (2013), at mga cultural series na Sahaya (2019) at Legal Wives (2021).

Hindi magkakaroon ng magkabukod na TV adaptation ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, taliwas sa mga kumakalat sa social media.

Marahil ay nalito lamang sila dahil sa isang larawang ibinahagi ng manunulat sa kaniyang Facebook account.

May mga napili na raw na bubuo sa cast ng Maria Clara pero hindi pa ito kumpleto at hindi pa maaaring isapubliko.

Samantala, napapabalita namang si Zig Dulay (Sahaya, Legal Wives) ang magiging direktor nito dahil ibinahagi niya sa kaniyang IG story na hawak niya ang librong Noli Me Tangere na kapareho ng cover sa librong binabasa ni Ms. Suzette.

Photo Credit: Zig Dulay (Instagram Story)

Wala pang tiyak na petsa kung kailan magsisimula ang production at kung kailan ipapalabas ang Maria Clara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *