‘Niña Niño’ ni Maja Salvador, pasok sa Top 3 primetime shows ng TV5!

Masayang ibinalita ni Maja Salvador na kumpirmadong magpapatuloy ang kaniyang teleserye sa TV na Niña Niño.

Base sa IG story ng ipinost ng make-up artist na si Randy Gabin, kasalukuyan nang naka-lock-in taping si Maja at ang cast para sa teleserye.

Maririnig ang sigaw ni Maja na “Season two!”

Ang Niña Niño ay mula sa direksyon ni Thop Nazareno, produced by Cignal TV at TV5, line-produced ng Cornerstone Studios.

Dapat sana ay noong Hunyo pa nagtapos ang unang season ng teleserye ni Maja pero dahil maganda ang feedback ng mga manonood, patunay ang patuloy na pagpasok ng TV ads, kaya magkakaroon pa ito ng season 2.

Pumapangalawa na ito sa mga primetime shows ng TV5 na nakakuha ng 4.4%.

Nangunguna pa rin ang Kapamilya show na FPJ’s Ang Probinsyano na nakakuha naman ng 5.1% sa TV5.

Pangatlo naman ang isa pang Kapamilya show na Huwag Kang Mangamba na may 3.2%, na sinundan ng Sing Galing, The Wall Philippines, at POPinoy na pare-parehong nakakuha ng 2.9%.

Noong July 6 naman, pang-15 ang Niña Niño ayon sa National Urban Television Audience Measurement (TAM) ng Nielsen Philippines. Nakakuha ng 4.2% ang TV5-produced series.

Kaya naman tuwang-tuwa ang buong cast at hindi ramdam na nagte-taping sila dahil tuwing may libreng oras ay nagti-Tiktok sila, sa pangunguna ni Maja kasama ang ilang production staff.

Lagi rin silang gumagawa ng vlog ng kaniyang leading man na si Empoy na ina-upload nila sa kani-kanilang YouTube channel.

May mga humihirit nga na sana daw ay i-upload na rin sa YouTube ang mga episode para makanood rin ang mga hindi nakakapanood sa TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *