Natinag sa CocoJul? Serye ni Alden Richards, mahigit 2 buwan mawawala

Marami ang nagtatanong kung bakit biglang mawawala sa ere ang The World Between Us ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa GMA-7.

May ilang netizens ang nagdidiwang dahil may napataob na naman daw na Kapuso series ang longest-running action drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Hirit naman ng mga nagtatanggol sa teleserye ni Alden, papaano raw napataob kung top-rating series ito ngayon at hindi pa rin nauungusan ng Kapamilya series.

Ayon naman sa direktor ng teleserye na si Direk Dominic Zapata, ‘season break’ muna sila at kailangan nilang sundin ang health and safety protocols ng IATF, kaugnay na rin sa pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.

Kahit kasi naka-bubble ang TV and movie productions at todo ang pag-iingat, hindi pa rin sila ligtas tulad nga sa nangyari sa ilang productions.

Samantala, dalawang buwan mawawala sa ere ang The World Between Us at sa kalagitnaan pa ng Nobyembre sila muling mapapanood.

Para naman kay Alden, hindi raw sila nadi-depress o sumama ang loob dahil magandang pagkakataon raw ito para mas mapaganda pa nila ang serye.

“We’re very excited for this, it was never done before. It gives us more leverage to make the material more powerful.

“Gusto namin ito, kasi magkakaroon kami ng time to prepare, hindi kami sagad-sagaran.

“‘Pag sa bubble kasi, because of restrictions ng protocol, may mga eksena na puwede na ‘yan. Sa amin, hindi ganu’n, it’s only pangit o sobrang ganda lang.

“Hindi kami frustrated, excited kami kasi nabigyan kami ng time to be more productive with our characterizations.

“Mas magiging maganda po ang maibibigay naming performace dahil sa opportunity na naibigay sa amin,” pahayag ni Alden.

Dapat daw abangan ang pagbabalik ng The World Between Us dahil ibang-ibang Alden na raw ang mapapanood.

“Slowly, we can plan the process. Kasi baka ‘pag tumalon naman kami agad na walang solid foundation ang transition, baka bumagsak din siya. So, ibigay natin slowly sa audience ‘yan!” sabi pa ni Alden.

“A better and a stronger show, pagbalik namin. ‘Yung tipong show na manggugulat sa inyo. Asahan niyo po, mas magiging sobrang ganda ang mapapanood niyo,” dagdag pa ng Asia’s Multimedia star.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *