Frencheska Farr: THEN AND NOW

Naaalala n’yo pa ba ang Kapuso singer at actress na si Frencheska Farr?

Sumikat s’ya sa mga awiting ginamit bilang theme song ng mga Asianovela at palabas sa GMA. Kabilang na r’yan ang “Ang Pag-ibig Kong Ito” na ginamit sa Temptation of Wife, “Inside My Heart” para sa Moon Embracing the Sun, “Isama Mo Ako” na ginamit naman sa teleseryeng Captain Barbell, “Suddenly It’s Magic” sa pelikulang My Valentine Girls, at marami pang iba.

Regular performer din s’ya sa mga defunct Sunday noontime show ng GMA na SOP, Party Pilipinas at Sunday All Stars.

Nahasa rin ang acting skills ni Frencheska Farr nang mapasama s’ya sa ilang teleserye ng GMA, kabilang ang Captain Barbell (2011 TV Series), Kokak, One True Love, Bukod Kang Pinagpala, Binoy Henyo, Innamorata, Second Chances, Pari ‘Koy, at Because of You.

Nagbida rin s’ya sa pelikulang Emir kung saan nakasama n’ya ang Timeless Diva na si Dulce. Ipinalabas ito noong 2010.

Pinakahuling proyektong ginawa ni Frencheska sa telebisyon ay ang “Alamat ng Dama de Noche” episode ng Alamat Season 2. Ipinalabas ito sa GMA-7 noong June 5, 2016.

Iniwan ng Kapuso singer-actress ang showbiz nang ikasal s’ya sa kanyang longtime boyfriend na si Gino Jose noong August 5, 2017.

Frencheska Farr and Gino Jose
Frencheska Farr-Jose and Gino Jose

Mula noon ay in-enjoy n’ya ang pribadong buhay kasama ang kanyang asawa na isang photographer/videographer na naka-base sa Los Angeles.

Noong nakaraang taon, dumalo si Frencheska at ang kanyang asawa sa reunion party ng Party Pilipinas at Sunday All Stars.

Frencheska Farr and Friends
Photo Credit: Rocco Nacino

Sa ngayon, travel goals ang mag-asawa sa Vancouver, Canada kung saan napuntahan n’ya ang Granville Island na isang shopping district.

View this post on Instagram

Granville Island 🧡

A post shared by Frencheska Farr (@farrfrencheska) on

Dinayo n’ya rin ang Kitsilano Beach at ang makapigil hininga sa gandang Brandywine Falls at Shannon Falls.

Kitang-kita sa kanyang mga posts sa instagram na masaya s’ya sa pribado at tahimik na buhay na kanyang tinatamasa ngayon.

Ngayong nagbabalik na ang noontime musical variety show tuwing Linggo, gusto n’yo bang muling marinig ang ginintuang tinig ni Frencheska Farr?

ALSO READ: How did ‘All-Out Sundays’ pilot episode fare in the ratings game?

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *