Nadi-depress! Jaya, nagpaalam na sa It’s Showtime

Emosyonal si “Queen of Soul” Jaya nang magpaalam sa Kapamilya noontime program na It’s Showtime.

Sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng programa kung saan nakaupong Punong Hurado ang batikang singer, madamdamin ang naging pamamaalam niya sa ABS-CBN.

Aniya, mabigat sa loob niya ang lisanin ang show at nagpapasalamat siya sa lahat ng Kapamilya na nakasama at nakatrabaho niya sa istasyon.

“Nu’ng lumipat ako sa ABS, kayo ‘yung tumanggap sa akin.

“For me, I am going to leave with a heavy heart. But I am happy because I’ve had the honor and privilege to work with very excellent hosts that truly accepted me and loved me,” pahayag ni Jaya.

Nito lang Marso, nauna nang inihayag ni Jaya na babalik muna siya sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya dahil matindi ang naging epekto sa kanila ng COVID-19 pademic.

Humantong siya sa desisyong iyon dahil sa mga pinagdaanan nila noong nakaraang taon.

Aniya, “Naramdaman ko lang na nag-focus ako sa isang bagay na hindi ko alam, nalulungkot na pala ako, natatakot, at nadi-depress.

“I started to lose weight. Hindi ko na-anticipate na hindi na pala ako kumakain nang tama o tamang oras, o nag-one meal a day lang ako. Hindi ko yun napansin.”

Ibinahagi rin ni Jaya na noong panahon ding iyon, na-stroke ang kaniyang asawang si Gary Gotidoc at naka-recover matapos ang tatlong araw.

“[S]a likod ng utak ko, parang, ‘teka … anong nangyayari? Nakakulong tayo, wala tayong work, at may asawa kang nagkasakit, paano yung mga bata?” dagdag niya.

Sa isang panayam sa kaniya, sinabi niya ang kaniyang mga plano at gustong gawin habang nasa ibang bansa siya.

“Sa ngayon po gusto ko po sana kahit paano magpahinga. Hindi ko alam ’yung feeling ng pahinga. But still with some type of work.

“Ito nga, sabi ko, ang saya. Natiyempo ‘yung online. Pwedeng gawin ‘yan. Maraming pwedeng gawin sa online source,” aniya sa isang interview.

Pagpapatuloy pa niya, “Ako, nagpapasalamat ako sa Panginoon, dito niya ako dinala. Tingnan mo, di siya nagsara. Lord, thank you for this opportunity to still… me standing up in the midst of all my trials na ilang taon din ‘yun.”

Nagpasalamat rin siya sa ABS-CBN at sinabing sa istasyon siya namayagpag nang sandali.

“‘Showtime’, ‘Tawag ng Tanghalan’, ABS-CBN, my heart is with you. You will never close.

“I claim that because you’ve helped so many people not only the public, even me na isang singer na katulad ko.

“Namayagpag ng sandali dahil sa pagtanggap ninyo. Maraming salamat.”

Ipinagdarasal rin niya ang pagbangon ng ABS-CBN at umaasang tanggapin siyang muli sakaling magbalik ang network.

“I pray that when this station opens up, pagbalik ko again, sana tanggapin nyo pa rin ako. Sa lahat ng mga Kapamilya, maraming salamat for the honor and privilege,” mensahe ng Soul Diva.

Nangako naman si Vice Ganda na forever magiging Kapamilya si Jaya, “Mahal na mahal ka namin sobra. Mahal na mahal ka namin bilang katrabaho at kaibigan. We will be forever be family, Jaya. And we will wait for your comeback.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *