Myrtle Sarrosa, Kapuso na!

Bahagi na ng lumalaking pamilya ng GMA Artist Center ang dating Kapamilya star na si Myrtle Sarrosa.

Si Myrtle ay former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 ng ABS-CBN.

Ayon sa showbiz journalist na si Nora Calderon ng Philippine Star, nag-audition at nakapasa ang aktres sa ‘Voltes V; Legacy’ na isang adaptation ng isang sikat na anime noong Dekada ’70.

Nasa pre-production stage na ang Voltes V: Legacy na ididirehe ni Direk Mark Reyes at kasalukuyang inaayos ang disenyo ng mecha super robot na si Voltes V.

Nagsimula ang showbiz career ni Myrtle Sarrosa noong 2012 pagkatapos s’yang tanghalin bilang grand winner ng PBB.

Nakilala rin ang young actress bilang isang cosplayer, singer, disc jockey at dancer.

Nakapagtapos si Myrtle ng BA Broadcast Communications sa University of the Philippines, Diliman at naging cum laude.

Sa kasalukuyan, binubuo pa ang bubuo sa cast ng inaabangang live-action adaptation ng Voltes V.

Bagama’t hindi isinapubliko ang mga nag-audtion para sa Voltes Team, lumabas ang mga pangalan nina Kisses Delavin, Miguel Tanfelix, at Kevin Santos.

Sa instagram post ni Direk Mark, nagpasalamat si Kevin sa pagkakataong makapag-audtion sa nasabing upcoming series ng GMA-7.

Nakatanggap naman ng ‘good news’ ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix at nag-comment naman si Kevin sa kanyang post.

Namataan naman ang Triple A actress na si Kisses Delavin sa audition na makikitang nakasuot ng dilaw na palda, kulay ng damit ng isa sa Voltes Team na si Jamie Robinson.

Sa ngayon ay wala pang pormal na announcement mula sa GMA kung sino ang mga gaganap sa ‘Voltes V: Legacy’.

ALSO READ: Ruru Madrid, hindi pa sigurado sa Voltes V Legacy

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *