MMK, nabastos ang Muslim community? Sagradong prayer mat, inapakan!

Tampok kagabi, January 9, ang life story ng aktor na si JC Alcantara sa Maalaala Mo Kaya na ginampanan mismo ng aktor.

Sa episode kagabi, isinadula ni JC ang kaniyang buhay bago siya pumasok sa showbiz, pagpupursigi sa pag-arte, at kung paano siya ilang beses na na-reject bago siya mabigyan ng big break sa showbiz.

Kasama ng baguhang aktor ang real-life couple na sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na gumanap bilang kaniyang mga magulang.

Nakilala si JC dahil sa ka pagbibida niya sa LGBT-themed series na “Hello, Stranger”.

Hindi lang namin sure kung part ng marketing strategy yung kumakalat ngayon sa social media para panoorin ang nasabing episode sa YouTube.

Na-intriga kasi na nabastos umano ng MMK ang ating mga kapatid na Muslim dahil sa ginawa nilang doormat ang “prayer mat” nila.

Magkakaiba rin kasi ang disenyo ng mga “prayer mat” ng mga Muslim, pero itinuturing nilang sagrado ang mga prayer mat na may disenyo ng “Mecca” — ang banal na lugar sa relihiyong Islam.

Sa nasabing episode ng MMK, yung prayer mat na may disenyo ng Mecca ang ginamit nilang doormat.

Photo Credit: Dianne Kasan on Facebook

Hindi rin naman siguro sinasadya ng production team ng MMK ang nangyari. Pero dapat ay nag-ingat sila lalo pa’t may disenyo iyon ng banal na sambahan ng mga Muslim.

Pagdating kasi sa TV production, mahalagang mag-ingat ng husto dahil baka may naaapakan tayong kultura, tradisyon, at relihiyon ng ibang tao.

Matatandaang sinabi ng Muslim scholar na si Dr. Muhd-ata Abdulkarim sa Facebook na huwag na raw gumaya ang GMA sa ABS-CBN na mapanirang uri.

ALSO READ: ‘Legal Wives’ ng GMA, inuulan na kaagad ng kontrobersiya

Ilang beses na rin nakatanggap ng reklamo ang produksyon ng ABS-CBN dahil umano sa pambabastos sa kanila.

Noong 2018, nagreklamo rin ang mga Indigenous group dahil sa paggamit ng salitang “Bagani” para sa Kapamilya series na Bagani na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Last year naman, hindi rin ikinatuwa ng mga taga-Butuan City ang ginawang depiksyon ng kanilang lugar para naman sa teleseryeng “A Soldier’s Heart”.

Ayon kay Agusan del Norte 1st District Representative Lawrence Fortun, labis siyang nadismaya sa portrayal ng kanilang syudad na ginawang kuta ng terorismo at kaguluhan.

“As a Butuanon who was born and raised in a city that was and has never been known to be a hub of extremism and terrorism, I am dismayed by the portrayal of Butuan as a hotbed of chaos,” pahayag ni Fortun.

Humingi naman ng paumanhin ang ABS-CBN sa nangyari at naglagay ng disclaimer bago ang palabas.

Ilang beses nang nangyayari ang mga ganito sa lokal na telebisyon. Sana ay sumangguni muna ang lahat ng mga production companies sa iba’t ibang consultants upang masiguradong wala silang naaagrabyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *