‘Totoong Balita, hindi anime’: Nancy Binay, nais ibalik ang ABS-CBN

Tahasang sinabi ni Senator Nancy Binay noong Martes, January 5, sa harap ng mga inihahaing panukalang batas sa Kongreso na naglalayong muling bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation.

Pahayag ng senadora, “Noong nakaraang taon nang hinagip tayo ng sunod-sunod na bagyo, ramdam ng mararmi ang kakulangan ng impormasyon lalo na iyong mga nasa remote barangays at malalayong isla na umaasa sa balita mula sa radyo at TV.”

“We could have saved more lives if people were well-informed about the heavy rains and typhoons,” dagdag pa ni Sen. Binay. “Sad to say, government and other networks fell short in bridging the information gap.”

Noong nakaraang Mayo, pinahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng ABS-CBN dahil napaso na ang prangkisa ng kumpanya.

Noong Hulyo naman ay ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang panukalang batas na magpapalawig sana sa prangkisa ng ABS-CBN.

Nitong Lunes, naghain si Senate President Vicente Sotto III ng panukalang batas na naglalayon na mabigyan ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN.

Sinabi ni Sotto na anim pa na mga senador ang nagpahayag ng intensyong maging co-author ng panukalang batas. Ito ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sina Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, at Nancy Binay.

Ayon kay Sotto, “I noticed the TV stations have been replacing their news programs with animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN.”

Pahayag naman ni Sen. Binay, “I share my colleagues’ position in the Senate to support ABS-CBN’s franchise renewal dahil higit na kailangan ngayon ng taumbayan ang totoo at tamang balita sa gitna ng mga isyu ng pandemya at pagbabakuna.

“Higit sa mga palabas na anime, we need a strong voice that can reach even the farthest household with news and information that matter.”

Umani naman ng batikos mula sa netizens ang mga pahayag na ito ng mga senador.

Sinabi ng social media influencer na Bayan Ko Ph kay Sen. Sotto, “You are too concerned about the programs aired which affect their rating and income but how about this station’s violating the laws of the land and the billions of taxes these crooks are robbing the country for who knows how long? ANONG KLASENG UTAK MERON KA???

“Kung mas me concern ka sa quality ng shows na ipinalalabas, hindi ka nararapat sa Senado – sa MTRCB ka pumwesto!

Binanatan rin ni Atty. Larry Gadon si Sen. Sotto na kaniyang idinaan sa biro. Ayon kay Gadon, “Sinasabi ng anim na senador na hindi na raw maganda ang mga programa sa television ngayon mula nang mawala ang ABS-CBN. Aba!!! Kailan pa ginawa na ang konsepto ng Senado ay maghusga kung ano ang maganda na mga TV shows?”

“Kung ang nais ay magkaroon ng EDUCATIONAL, INFORMATIVE, INSTRUCTIVE, CULTURAL DEVELOPMENT, MORAL DEVELOPMENT, eh ‘di lagyan ng EAT BULAGA lahat ng istasyon.”

Ipinagtanggol naman ng isang netizen ang mga anime. Para kay Jomz, mas ayos pang manood ng anime minsan, lalo na kung puro masasamang balita ang napapanood sa TV.

Meron ding nagbigay ng suhestiyon na ibigay na lang sa news program ang isang oras ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga.

Ipinagtanggol naman ni Mathyyss Parase ang GMA News TV na nagpalabas ng isang anime noong kasagsagan ng Bagyong Rolly. Ayon sa kaniya, napapakinggan naman sa radyo ang DZBB at maya’t maya naman ang News Alert noong araw na iyon.

May mga kumampi rin naman sa pahayag ni Sen. Binay at Sen. Sotto.

Ayon sa isang netizen na nagngangalang Bonie Nicor Laguna, “Wag kasi mag anime pag may bagyo[. B]alita [a]ng importante[.] hahahahah”

Maiksing “Yes ibalik” naman ang comment ng netizen na si CUtymom Mckotorno na gustong maibalik na sa free TV ang ABS-CBN.

Kayo mga Kaburyong, ano ang reaksyon ninyo sa tila pagmamadali ng mga senador na mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN? Ipaalam sa amin ang inyong saloobin sa comment section sa baba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *