Mga sang’gre, sinisi sa masamang panahon sa Pilipinas at Korea

Magkakasunod na bagyo at lindol ang naramdaman dito sa ating bansa nitong mga nagdaang araw.

Imbes na mangamba, dinaan sa biro ng ilang netizen ang mga kalamidad na ating naranasan upang maghatid ng good vibes.

Hindi naman nakaligtas si Aljur Abrenica at Kylie Padilla, maging ang mga sang’gre sa television series na Encantadia.

Post ni Jolina Do sa Facebook: “masaya kana ba Aljur Abrenica na kami ang nagdudusa sa galit ni amihan at ng kanyang mga kapatid, hangin para kay amihan ulan para kay alen at pati si danaya di nag pahuli, lumindol na!! Wag mong antayin si pirena ang magalit [angry emojis] tigilan mo yang pambabae mo.

“Sinasabi ko sayo aljur, wag mo galitin ang mga sangre!!!!”

Ginampanan ni Kylie Padilla ang role na Amihan sa telefantasya ng GMA-7.

Naging laman ng balita si Kylie nitong mga nagdaang linggo dahil sa hiwalayan nila ng kaniyang asawang si Aljur Abrenica. Ang dahilan umano ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa third-party.

Nag-viral sa Facebook ang nasabing post ni Jolina Do, na umabot sa 48K reactions, 96K shares, at 2.4K comments.

Samantala, hindi rin nakaligtas ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa trip ng netizens.

Kaya raw hindi kasama si Pirena (Glaiza) sa “pag-atake” ng mga sang’gre ay dahil nagbabakasyon daw ito sa South Korea.

Sa post ni Kelsie Vk sa Facebook na may caption na “HAHAHAHAHAHAHAHA Nagbabakasyon lang si pirena,” kalakip nito ang screenshot ng post ni K-Pop star Sandara Park.

Inirereklamo kasi ni Sandara ang sobrang init ngayon sa South Korea, kaya sinagot siya ng isang netizen.

Sabi ni Sandara, “Alam nyo ba mas mainit ang Korea ngayon compare sa Phil?! Grabe…”

Sagot ng netizen, “nasa korea ata si pirena, yung tatlo kasi nandito sa pilipinas”

Nauna na kasing napa-ulat na gagawa ng 2 international film si Glaiza, kabilang na ang isang pelikulang kukunan sa South Korea.

READ: Pang-international! Glaiza de Castro, gagawa ng 2 foreign films

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *