Megan Young at kapwa Miss World winners, suportado ang Frontliners

Nakikiisa si Kapuso star at Miss World 2013 Megan Young kasama ang kanyang kapwa Miss World winners sa pagsaludo sa magigiting nating frontliners na patuloy na lumalaban at nagbibigay serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Pinatunayan nila na habang buhay nilang dadalhin ang “beauty with a purpose” na adbokasiya ng organisasyon.

Sa Instagram video ay nagpahatid ng mensahe si Megan kasama ang iba pang Miss World beauty queens bilang parte ng kanilang #OneWorld #MissWorld campaign.

“Let us celebrate the powers of our HEROES who rise with STRENGTH & PRIDE. Salamat po sa ating mga frontliners,” ani Megan.

Aktibo rin ang Kapuso actress sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng kanyang online fundraising para sa mga medical frontliner sa provincial hospitals at pagtangkilik sa mga fresh fruits and vegetables ng mga aetas mula sa Subic.

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Megan sa upcoming series na Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.

Miss World 2013 Megan Young with Legal Wives co-actors

ALSO READ: Megan at Mikael, nagpaabot ng tulong sa ‘Love of My Life’ staff

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *