Megan at Mikael, nagpaabot ng tulong sa ‘Love of My Life’ staff

Ngayong tuluyan pa ring ipinapatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine, stop taping muna ang mga programa sa telebisyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Isa sa mga apektado ng tigil-trabaho ay ang production staff ng GMA primetime series na Love of My Life.

Dahil dito, hindi nagdalawang-isip si Kapuso actor Mikael Daez na tulungan ang mga katrabaho sa serye, katuwang ang kanyang wifey na si Megan Young. Nagpadala sila ng financial assistance at relief goods sa kanila.

Sa video ng production staff na in-upload ni Ms. Michelle Borja sa Facebook, mapapanood dito ang naging pasasalamat ng lahat ng staff na nabigyan ng tulong nina Mikael at Megan.

Mabuhay kayo Mr. & Mrs. Daez!

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *