May nanalo na! Manny Villar, nag-take over na sa frequency ng ABS-CBN

Nagwagi ang bilyonaryong si Manny Villar sa sweepstake ng pinag-aagawang frequency ng ABS-CBN Broadcasting ng Lopez family anim na buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at kahit wala pa siyang track record sa broadcasting.

Ayon sa mga dokumentong aming nakalap, pinagkalooban ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Villar ng Channel 2 at 16 frequency na matagal nang idle mula pa nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 2020 (ang application ng panibagong prangkisa ay kalaunang ni-reject ng Congressional committee makalipas ang dalawang buwan).

Pinagkalooban ng NTC ang AMBS ng provisional authority para mag-install, magpatakbo, at mag-maintain ng digital TV broadcasting system sa Metro Manila at Mega Manila gamit ang Channel 16 frequency (na dating pagmamay-ari at ginagamit ng ABS-CBN para sa Studio 23 broadcast) sa loob ng 18 buwan.

Pirmado ang provisional authority ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at ng mga Deputy Commissioner na sina Edgardo Cabarios at Delilah Deles.

Samantala, sa utos noong January 6, ginawaran ng NTC ang Advanced Media ng temporary permit para mag-test broadcast gamit ang Channel 2 analog TV frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Mag-o-operate ang Advanced Media mula 7am hanggang 10pm sa Starmall na pagmamay-ari rin ni Villar na located sa EDSA-Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Sinabi ng NTC na ang temporary permit ay may bisa mula January 6 hanggang sa analog shut off, maliban na lang kung ito ay i-revoke o i-cancel.

Automatic na babawiin ang mga nabanggit na frequency matapos ang test period at hindi ito nangangahulugang binigyan na ng anumang karapatan ang Advanced Media.

Kumuha ng legal opinion ang NTC sa Department of Justice bago gawaran ng digital TV license si Villar kahit na hindi ito bukas para sa mga baguhan sa larangan ng TV broadcast.

Idineklara ng DOJ na ang digital TV service ay maaaring buksan para sa mga baguhan tulad ng Advanced Media dahil sa bisa ng Memorandum Circular No. 07-12-2014 (na naglilimita ng digital TV licenses para lamang sa mga nag-ooperate sa analog TV) na “altered by the change in factual circumstances,” partikular na sa expiration ng ABS-CBN franchise at hindi nito pagkaka-renew sa Kongreso.

Nagpadala rin ng liham ang Office of the Executive Secretary noong December 28, 2021 na inuutusan ang NTC na magtalaga na sa “vacated and available frequencies to qualified entities.” Law partners sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Menardo Guevarra.

Merong congressional franchise para makapag-operate ng TV network ang Advanced Media at nakapag-apply na ito para sa digital TV noon pang October 2006.

Ni-renew ng Kongreso ang prangkisa ng Advanced Media na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong June 2019.

One thought on “May nanalo na! Manny Villar, nag-take over na sa frequency ng ABS-CBN

  1. Ayokong magbalik ng ABS-CBN, gusto kong mabibili yung Permanenteng Frequency ng AMBS sa Analog Channel 2 at Digital Channel 16!!!

    Kapag ang ZOE na mabebenta sa July 1 at bago mabili ang ABS-CBN na mananatili sa Analog Channel 11 at Digital Channel 20 matapos ang final broadcast ng Kapamilya Channel at A2Z!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *