May bagong tahanan: Ilang ABS-CBN shows, ipalalabas na rin sa PRTV Tacloban

Matapos ang partnership sa ZOE Broadcasting at TV5, mukhang may bagong tahanan na naman ang ilang ABS-CBN shows.

Inanunsyo sa Facebook page ng Tacloban-based station na PRTV, pagmamay-ari ni Cong. Ferdinand Martin Romualdez, na eere sa kanilang istasyon ang mga Kapamilya shows na “Hoy, Love You,” “Huwag Kang Mangamba,” “Marry Me, Marry You,” “La Vida Lena,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “It’s Showtime,” at iba pa.

Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban
Photo Credit: PRTV Tacloban

Subalit maraming Kapamilya netizens ang nagtaas ng kilay dahil isa si Romualdez sa mga kongresistang pumabor na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020, matapos makitaan ng Technical Working Group (TWG) ng ilang paglabag sa kanilang prangkisa ang kumpanya ng mga Lopez.

Dahil dito, hindi makapag-broadcast ang Kapamilya network sa buong bansa. Gayunpaman, nagawan naman nila ng paraan na maipalabas ang kanilang mga programa sa pamamagitan ng iba’t ibang platforms gaya ng blocktime agreement sa ZOE at TV5, cable, sa kanilang online app na iWantTFC at sa social media.

One thought on “May bagong tahanan: Ilang ABS-CBN shows, ipalalabas na rin sa PRTV Tacloban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *