Matapos itanggi ni Jeric: Sheryl Cruz, nagsalita na!

Nagsimula ang lahat nang mag-post ang aktres na si Sheryl Cruz ng mga pasalubong umano ni Jeric Gonzales matapos ang bakasyon ng aktor sa Baguio.

Sa ipinost na video ni Sheryl sa Instagram noong July 19, ipinakita niya ang mga pasalubong daw ng aktor sa kaniya at ang pinaka-nakaagaw ng pansin sa netizens ay ang coffee mug na may pangalan nina Sheryl at Jeric.

Hindi pa doon natapos dahil kamakailan lang, nag-post ulit si Sheryl ng video nila ni Jeric sa Instagram kung saan makikita ang hot kissing scene nila sa teleseryeng Magkaagaw.

Caption ng 47-year-old actress sa video, “I love you so bad.”

Nag-post rin ng video si Sheryl sa Tiktok na may caption na “Di ka nakakasawang tingnan pagmasdan ang yong mata.”

Naka-tag pa sa Tiktok video ang aktor, pero parang hindi masaya si Jeric sa ginagawang ito ni Sheryl.

Nag-unfollow na si Jeric kay Sheryl sa Instagram at ginawa rin ito ni Sheryl sa aktor.

Nauna nang itinanggi ni Jeric na may namumuong relasyon sa kanila ng aktres.

Aniya, “Hindi ko po alam kung saan po galing ‘yang mga info na ‘yan.”

Dagdag pa ni Jeric, “Actually, wala pong ligawan na nangyari. I never court Ms. Sheryl Cruz. Friends ko kami and we’re professionally friends du’n sa Magkaagaw. Co-actor ko siya and I’m happy with that.”

Samantala, isang malapit na kaibigan ng aktor ang nagsabing hindi raw ito masaya sa ginagawa ni Sheryl at nagtataka siya kung ano ang motibo ng aktres sa pagpo-post sa social media.

Dahil sa hindi matapus-tapos na usapin tungkol sa tunay na ugnayan nina Sheryl at Jeric, ibinunyag ni Sheryl kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng aktor.

Sa isang vlog ni Beshie Alert na ini-upload noong September 1, diretsahang inusisa si Sheryl tungkol sa real score sa kanila ni Jeric.

“Well, he’s a very special person to me,” sagot ni Sheryl. “Atsaka he’s very endearing and very focused sa trabaho niya.”

Nilinaw rin ni Sheryl na magkaibigan lang daw talaga sila ni Jeric. Aniya, “We’re just friends at magkatrabaho.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *