Matapos balewalain: Kim Chiu, balak sundan si Xian Lim sa GMA-7?

Tiniyak ng bagong Kapuso na si Xian Lim na hindi pa rin daw mawawala ang KimXi loveteam nila ni Kim Chiu kahit nasa bakuran na siya ng GMA Network.

Darating din daw ang tamang panahon na muli silang magkakatrabaho ng kaniyang kasintahan, at malay daw natin ay baka sa GMA-7 sila muling magkasama.

“Why not?” mabilis na sagot ni Xian nag humarap siya sa ilang movie press noong nakaraang Martes ng hapon.

Sabi naman ni Xian, hindi raw sila nakikialam ni Kim sa kani-kanilang career.

Aniya, “Kami po kasi ni Kim, we’re really supportive po sa mga proyekto na ginagawa namin, ma pelikula po yan, mapateleserye, ma pa working with other actors, and in this case, network.”

Tulad nga nitong paglipat niya sa GMA-7 para sa drama series nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat., hindi naman daw niya ipinaalam pa ito kay Kim. Nandiyan naman daw ang suportahan nila sa isa’t isa pagdating sa kanilang career.

“Hindi ako nagpaalam because I know suportado namin ang isa’t isa mapaano mang desisyong gawin namin.”

Dagdag pa niya, “Even nu’ng nagsisimula pa lang po kami, hindi po kami ganu’ng type ng relationship po namin, hindi po ganu’n.”

Hindi na rin muna nagkomento si Xian sa isyu ni Kim na tila may pinagdaraanan ngayon. Wala naman daw siya sa posisyon na sabihin pa ito, although, pinag-uusapan naman daw nilang dalawa.

“Definitely kung meron man po siyang pinagdadaanan, napapag-usapan po namin ‘yung mga ganu’ng bagay.

“As a couple, siyempre that’s something we have and we tell each other ng mga hinanakit namin, mga sama ng loob. But it’s part of it, it’s part of being in a relationship,” pahayag ni Xian.

Sa ngayon ay naka-quarantine na si Xian bilang paghahanda nila sa lock-in taping ng serye nila ni Jennylyn.

Pinaghalong excitement at kaba raw ang nararamdaman niya dahil karamihan sa makakasama niya sa project na ito ay first time pa lang niyang makakatrabaho, isa na nga rito si Jennylyn.

Sabi pa ni Xian, kung mabibigyan daw sana siya ng GMA-7 ng chance, gusto rin daw sana niyang mag-pitch ng mga nasulat niyang kuwento at subukan ding magdirek.

Samantala, mukhang malabong sumunod agad si Kim kay Xian sa GMA Network dahil kapipirma lang ng aktres ng exclusive contract sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, last December 4. Kaya “bawal munang lumabas” si Kim, if ever.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *