Martin del Rosario, wagi sa Asian Television Awards

Simula pa lang ng taon, tuluy-tuloy na ang pasok ng blessings para sa Kapuso at The Gift actor na si Martin del Rosario.

Nasungkit ng aktor ang Best Leading Male Performance (Digital) trophy sa katatapos lang na 24th Asian Television Awards.

Napanalunan n’ya ang award dahil sa kanyang husay sa pagganap para sa miniseries na Born Beautiful ng Cignal Entertainment.

Tinanggap ng Kapuso actor ang award kagabi, January 11, sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Noong 2019, naiuwi ni Martin del Rosario ang Best Actor Award ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) para naman sa pelikulang The Panti Sisters.

Martin del Rosario
Photo Credit: GMA Network

Ang Asian Television Awards ay taunang pagdiriwang kung saan binibigyang pagkilala ang mga dekalidad na programa sa telebisyon at mga taong bumubuo sa mga produksyong pantelebisyon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginanap sa Pilipinas ang prestihiyosong awards ceremony.

Samantala, paganda ng paganda ang takbo ng kwento ng The Gift kung saan nililitis na ang karakter ni Martin na si Jared. Ginagawa naman ni Javier (Christian Vasquez) ang lahat ng kanyang makakaya upang mapa-walang sala ang kanyang anak.

Mas tumitindi pa ang mga eksena at lalong nagiging kapanapanabik kaya ‘wag na ‘wag kayong bibitaw sa nalalapit na pagtatapos ng The Gift. Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Beautiful Justice.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Related Stories:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *