Mark Herras, sinagot ang isyu ng P30K na utang kay Lolit Solis

Matalik na magkaibigan talaga sina Mark Herras at Eric Fructuoso dahil kay Eric lang nagsalita si Mark hinggil sa P30K issue nila ng dati niyang manager na si Lolit Solis.

Sa vlog ni Mark Herras, kasama ng Kapuso actor si Eric na naglaro ng “Sagot o Lagot,” kung saan mamimili ang tatanungin kung sasagutin ba ang tanong o iinom na lang ng suka.

Tinanong ni Eric si Mark kung magkano ang pera niya sa bangko.

Sagot ni Mark, “Mga P30K siguro. Inom na lang ako para walang isyu.”

Sumagot din naman si Mark pero bitin nga lang. Aniya, “Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, ‘yung anak ko, alam ko may pera sa bangko.”

Para siguro hindi na mas lumalim ang usapin tungkol sa isyu sa dati niyang manager, mas pinili na lang ni Mark na uminom ng suka.

Kaka-renew lang ni Mark ng kontrata sa Signed for Stardom contract signing event ng GMA Artist Center kamakailan lang.

Sa ngayon ay may mga guesting siya at kasama siya sa cast ng Afternoon Prime series na Artikulo 247. Tampok rin sa serye sina Rhian Ramos, Jackie Rice, at Benjamin Alves.

Napapanahon naman ang tanong ni Eric kung naaalagaan ba siya ng kaniyang home network at kung open ba siyang lumipat sa ibang network kung hindi na siya naaalagaan o kung wala nang maibigay na project.

Sagot ni Mark, “Kung saan tayo magkakaroon ng project para makapag-provide, doon tayo.”

Kaya naman mukhang masaya si Mark sa pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang home network dahil halos dalawang dekada na siya sa GMA Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *