Maricel Soriano, may bagong teleserye sa ABS-CBN

Tiyak na kagigiliwan ng mga Kapamilya viewers ang bagong teleseryeng pagbibidahan ng Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano.

Makakasama ng aktres sa What Matters Most sina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, at Iza Calzado, sa ilalim ng direksyon ni FM Reyes.

Huling napanood ng mga Kapamilya viewers si Maricel Soriano bilang “Nanang Sabel” sa teleseryeng The General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Ito ang pangalawang teleserye ni Maricel mula nang bumalik s’ya sa ABS-CBN noong 2017.

Sa mga larawang ibinhagi ng official fan page ni Jodi Sta. Maria sa Press Conference ng What Matters Most, makikita rin na kasama ang mga batang artista na sina Zaijan Jaranilla at Chantal Videla sa cast ng proyektong ito.

Present din ang mga big boss ng ABS-CBN na sina Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes, at TV production head na si Lauren Dyogi.

Wala pang detalyeng inilalabas tungkol sa What Matters Most, maliban sa tinatarget nilang maipalabas ito ngayong taon.

Isa lamang ang seryeng ito sa mahigit isang dosenang naka-lineup na programa sa telebisyon, sa iWant, at sa maging mga pelikula sa sinehan.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *