Marian Rivera, natupad ang isa sa matagal nang pinapangarap!

Matapos maging hurado sa halos katatapos lamang na Miss Universe 2021 pageant, naglibot-libot naman ang respetadong aktres na si Marian Rivera-Dantes, sa Israel. Kasama ang asawa na si Dingdong Dantes, tinupad ni Marian ang isa sa kanyang mga pangarap — ang makabisita sa Holy Land kasama ang kaniyang “Mi Amor.”

Maikli man ang naging pagbahagi ng aktres sa kanilang pagbisita, bakas sa mukha ng mag-asawa ang pasasalamat at kagalakan sa oportunidad na makabisita sa nasabing lugar. Makikita ang mga larawan sa kaniyang Instagram account kung nais ninyong makita ang iba pa niyang mga post.

Naiintindihan namin ang pagkatuwa ni Marian sa karanasan na ito. Kung tutuusin ay isa itong maituturing na ‘blessing’ para sa mga Kristiyano.

Sa ngayon ay balik-pamilya na ang aktres ayon sa pahayag ng GMA-7. Kamakailan lamang, noong December 14, ay naglabas ang aktres ng kaniyang larawan habang sila ay nasa Eilat, Israel, bilang huling larawan na nakuha niya bago siya bumalik ng Pilipinas.

Kakabit ng kaniyang post ang maikling mensahe:

“Goodbye Israel! Thank you for the priceless experience,” saad ng aktres sa Instagram.

“Thankful for all the friends and memories I’ve made here. Hope to be back someday.”

Napakagandang tanawin din ng kahit anong lugar basta nandoon si Marian. She also made us proud just by simply sitting there, as a judge! Salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *