Marian Rivera, ka-level na si Song Hye-Kyo; makakasama sa isang South Korean film?

Nalilinya ngayon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ilang proyektong may kaugnayan sa mga Korean star.

Kamakailan lang ay napaulat na si Marian daw ang gaganap na Filipina mother sa South Korean film na Sad Tropical ng aktor na si Kim Seon-Ho. Wala pang opisyal na sagot si Marian tungkol sa balitang ito.

Samantala, sa recent Instagram post ni Marian na may caption na “Just a little teaser,” makikitang naka-highlight ang mga suot niyang jewelries.

May IG stories rin si Marian na tinag niya ang Chaumet sa suot niyang jewelry. Sa recent post niyang “just a little teaser” madaling isipin na bagong endorsement niya ito.

At mukhang si Marian ba ang kinuha ng Chaumet among Filipino actresses bilang kanilang ambassador?

May mga celebrity ambassador din naman ang naturang jewelry brand sa iba’t ibang bansa pero ang South Korean ambassador nito na si Song Hye-Kyo ang masasabing pinakakilalang associated sa brand.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Chaumet ay isang high-end jewelry na naka-base sa Paris, France.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *