‘Man x Man’ to premiere soon on GMA

Malapit nang umere ang South Korean action drama series na Man x Man sa Philippine television.

Bida sa serye ang South Korean actor na si Park Hae-Jin, na nakilala sa kanyang supporting role sa My Love from the Star (2013), Doctor Stranger (2014), at lead role naman sa Bad Guys (2014), Cheese in the Trap (2016), at Man x Man (2017).

Gaganap si Hae-Jin bilang isang gwapo ngunit misteryosong bodyguard na nagsanay sa special investigations at maraming talento.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, isa pala s’yang NIS black ops agent na may sariling pakay at ang pagiging bodyguard ay para lamang ikublli ang kanyang misyon.

Kukunin s’yang personal bodyguard ng isang sikat na celebrity.

Ang kwento ng serye ay iikot sa aktor at sa bodyguard kung saan mabubuo ang pagkakaibigan.

Paano nila haharapin ang mga panganib na darating?

Abangan ang Man x Man ngayong Pebrero sa GMA-7.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *