‘Loving Miss Bridgette,’ top-rating afternoon show na; ‘Marry Me, Marry You,’ tinalo pa ng G! Flicks

First week pa lang ng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette ay naging top-rating afternoon show na kaagad ito ayon sa datos mula sa Nielsen Philippines.

Bida sa pinakabagong handog ng GMA Network ang sina Kelvin Miranda at ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez.

Talaga namang sinubaybayan ang Loving Miss Bridgette na naging hot topic pa sa Twitter dahil sa mga maiinit na eksena.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakamit ng Loving Miss Bridgette ang highest peak nitong 6.9% noong Miyerkules, September 15.

Sep 13Sep 14Sep 15Sep 16
Loving Miss Bridgette6.1%6.1%6.9%6.5%

Kung ang Loving Miss Bridgette ang top-rating sa hapon, ang Legal Wives naman ang nangungunang teleserye sa primetime.

Noong Miyerkules, naka-16.0% na naman ang Legal Wives kahit hindi na naka-simulcast ang serye sa GTV, pero nag-rate pa rin ang delayed telecast nito sa GTV.

Sep 13Sep 14Sep 15Sep 16
Legal Wives
(GMA-7 / GTV / Heart of Asia)
13.8%14.7%16.0%14.9%
FPJ’s Ang Probinsyano
(A2Z / TV5 / Kapamilya Channel / CineMo)
10.8%11.4%11.4%11.6%

Patuloy pa ring nakakakuha ng mataas na rating ang rerun ng Endless Love. Tinalo pa nito ang mga bagong episodes ng Kapamilya primetime series na Huwag Kang Mangamba na sa apat na channels napapanood.

Sep 13Sep 14Sep 15Sep 16
Endless Love
(GMA-7 / Heart of Asia)
10.8%11.1%12.1%12.2%
Huwag Kang Mangamba
(A2Z / TV5 / Kapamilya Channel / Jeepney TV)
6.8%7.2%7.4%7.3%

Samantala, medyo mababa naman ang nakuhang rating ng Kapamilya series na Marry Me, Marry You na premiere week din noong nakaraang linggo.

Kahit na sa apat na channels ito napapanood, tinalo pa ito ng K-Drama na The Penthouse Season 2 ng GMA-7 at G! Flicks ng GTV.

Pinagsama-samang mga bigating pangalan sa industriya pa naman ang Marry Me, Marry You na galing mula sa GMA-7 at ABS-CBN.

Pinagbibidahan ito nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, at tampok din sina Sunshine Dizon, Vina Morales, Cherry Pie Picache, Edu Manzano, at marami pang iba.

Sep 13Sep 14Sep 15Sep 16
The Penthouse Season 2
(GMA-7)
6.4%6.0%6.8%7.0%
G! Flicks
(GTV)
4.8%5.3%5.7%4.4%
Marry Me, Marry You
(A2Z / TV5 / Kapamilya Channel / Jeepney TV)
3.9%4.6%5.0%4.3%

Hindi rin pahuhuli ang Lakorn (Thai series) na The Sand Princess na consistent na tinatalo ang seryeng La Vida Lena hanggang sa finale week nito.

Nagtapos ang Lakorn na ipinapalabas sa GMA-7 na naka-4.8% laban sa 4.2% ng La Vida Lena na napapanood sa apat na channels.

Sep 13Sep 14Sep 15Sep 16
The Sand Princess
(GMA-7)
4.3%4.1%4.9%4.8%
La Vida Lena
(A2Z / TV5 / Kapamilya Channel / Jeepney TV)
2.4%3.0%3.0%4.2%

Inaabangan naman kung masusustain o mahihigitan ng Mr. Queen ang rating ng The Sand Princess na mataas kahit ipinapalabas ito sa late timeslot (4th GMA Telebabad timeslot).

Inaantabayanan rin kung makakabawi ngayong linggo ang Marry Me, Marry You na pinadapa ng isang K-Drama at mga pelikula sa G! Flicks.

Marahil sasabihin ng iba na mahina kasi ang reach ng A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Jeepney TV, at Cinemo kaya mababa ang ratings ng first teleserye ni Janine sa ABS-CBN, pero bakit nakakaabot sa halos 12% ang FPJ’s Ang Probinsyano?

Hindi naman tumitigil ang A2Z at TV5 sa pagpapalakas ng kanilang signal at audience reach, kaya nga kapansin-pansin na tumataas din ang ratings nito at halos nakakasabay na sa GMA-7 lalo na kapag pinag-combine.

Nakakapasok na rin sa Top 20 ang ilang palabas na self-produced ng TV5 tulad ng Niña Niño, Sing Galing, at Frontline Pilipinas.

One thought on “‘Loving Miss Bridgette,’ top-rating afternoon show na; ‘Marry Me, Marry You,’ tinalo pa ng G! Flicks

  1. Sana yung Imbestigador, Wowowin, at Saksi na matatapos na sa Oktubre, bago sila tatakbo sa pagkasenador sina Arnold Clavio, Mike Enriquez, at Willie Revillame sa Eleksyon 2022!!!

    Yung mga Kapamilya Shows tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Manangba, Marry Me Marry You, La Vida Reyna, at FPJ Da King na mapapanood na sa GMA, at GTV simula October 16!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *