Lovi Poe, sumagot na sa isyung lipatan ng network

Nagsalita na ang Kapuso actress na si Lovi Poe tungkol sa rumor na lilipat na siya sa ABS-CBN.

Sa media conference ng kaniyang upcoming movie sa Viva na “The Other Wife,” sinabi ni Lovi na tuloy pa rin ang negosasyon at sa ngayon ay wala pa siyang ibang masasabi tungkol sa future plans niya sa kaniyang showbiz career.

Ani Lovi, “Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation.”

Pinagdiinan rin ni Lovi ang kaniyang respeto sa GMA-7 at ABS-CBN, kaya mas makabubuti raw muna na huwag munang isapubliko ang mga nagaganap na negosasyon.

“I think it’s best to keep it private, because I don’t want to be… I want to respect both networks,” pahayag ng aktres sa naganap na press conference.

Gayunpaman, willing naman daw si Lovi na gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

“Ako naman po kasi, I’m always open to working with anybody. To grow as an artist, I don’t think you’re supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again,” paliwanag niya.

“Of course, it’s nice to work with them (Star Cinema) and explore. Let’s be honest, when we work with other people, that’s the time we will learn something new.”

One thought on “Lovi Poe, sumagot na sa isyung lipatan ng network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *