Lovi Poe, maraming nakalinyang projects sa GMA-7

Ang akala nang marami ay natuldukan na ang isyu tungkol sa paglipat ni Lovi Poe matapos magpalabas ng isang plug ang GMA Network para sa kanilang ika-71 anibersaryo.

Sa nasabing plug ay sinabi ng aktres na “Lovi Poe po, nanatiling buong puso para sa Pilipino.”

Pero sa media conference na ginanap noong July 5 para sa pelikulang The Other Wife, nilinaw ni Lovi na ang lahat ay under negotiation pa.

“Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation,” aniya.

Malaman naman ang iba pang sinabi ni Lovi na tila nagpapahiwatig na parang gusto niyang lumipat para makatrabaho ang mga artista at staff na hindi pa niya nakakatrabaho.

“Ako naman po kasi, I’m always open to working with anybody. To grow as an artist, I don’t think you’re supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again,” paliwanag niya.

“Of course, it’s nice to work with them (Star Cinema) and explore. Let’s be honest, when we work with other people, that’s the time we will learn something new.”

Marami namang Kapuso fans ang na-bother sa sinabi ng aktres at nagtanong kung tuloy na ba ang paglipat ni Lovi sa Kapamilya Network.

Ayon sa isang creative consultant na taga-GMA, hindi raw lilipat si Lovi dahil may malaki siyang project.

May isa pang taga-GMA ang nagsabing “fake news” daw na lilipat ang aktres sa ibang network dahil nakakontrata pa raw si Lovi sa network at marami pang project ang nakalaan para sa kaniya.

Sa huli, si Lovi at ang kaniyang manager pa rin ang magdedesisyon. Nawa’y tama ang mapili ni Lovi at ikagaganda ng kaniyang career.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *