Lovi Poe, makakatambal si Piolo Pascual sa first Kapamilya teleserye?

Mukhang dalawang premyadong artista ang nakatakdang pumirma ngayong darating na Huwebes, September 16, sa Kapamilya Channel.

Dahil bukod sa “precious jewel finding a new home” na ang hula ng marami ay si Lovi Poe, may bago na namang teaser ang Dreamscape Entertainment.

Sa bagong teaser, may nakasulat na “Home is where his heart is” sa video at may caption itong ““I’ll see you soon!” ❤️💚💙 9.16.2021 #ForeverKapamilya”

Ang hula ng ibang netizens ay si John Lloyd Cruz dahil na rin sa huli niyang project sa ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Pero ayon sa isang blind item, matagal na raw na gustong makatrabaho ni Lovi ang Kapamilya actor na ito.

Sa isang panayam kay Lovi noong 2018 sa press conference para sa pelikulang The Significant Other, sina Piolo Pascual at Coco Martin ang sinabi ni Lovi na gusto niyang makatrabaho.

Mukhang malabo pang itambal si Lovi kay Coco dahil hindi pa tiyak kung may balak bang tapusin ito para sa isang bagong teleserye.

Maaari pa rin namang magtambal sina Coco at Lovi kung ipangsasahog ang aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero ayon pa rin sa blind item ay bagong teleserye ang pagbibidahan ni Lovi na co-production sa isang international company.

Kaya naman mas nagpi-fit kay Piolo ang pa-hula ng Dreamscape, lalo pa na sinabi ni Piolo noon sa isang special appearance niya sa ASAP Natin ‘To na “Maraming salamat po, I’ll see you soon.”

Tingin n’yo ba ay may chemistry sina Lovi at Piolo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *