Lovi Poe bibida sa iWant movie ng ABS-CBN

Dagdag si Lovi Poe sa listahan ng mga Kapuso stars na tumawid sa ABS-CBN para gumawa ng project.

Bibida si Lovi sa upcoming movie na ipapalabas sa streaming service na iWant ng ABS-CBN.

Kasama nya sa proyektong ito si Zanjoe Marudo at ipo-produce naman ng Dreamscape Digital, ang digital arm ng isa sa mga business unit ng Dreamscape Entertainment.

Ibinahagi ni Deo Edrinal, big boss ng Dreamscape, ang isang snapshot ni Lovi at Zanjoe habang nagte-taping sa Matera, Basilicata, Italy.

Ang digital film nina Lovi at Zanjoe ay ididirek ng Glorious director na si Connie Macatuno.

Will Lovi Poe transfer to Kapamilya Network?

Nag-expire na ang 3-year exclusive contract ni Lovi Poe sa GMA Network noong July 26.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nirerenew ng kanyang home network ang kanyang kontrata pero patuloy pa rin syang nakakagawa ng mga proyekto sa GMA-7.

Noong September 23 lamang ay nag-cameo appearance pa si Lovi sa primetime series na Beautiful Justice.

Nakatakda namang gumanap na batang Dina Bonnevie si Lovi sa upcoming TV series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Naging tahanan ni Lovi ang GMA Network sa loob ng 13 taon. Ilan sa mga proyektong ginawa nya sa GMA ay Bakekang, Captain Barbell (2011 TV Series), Legacy, Yesterday’s Bride, Akin Pa Rin ang Bukas, Ang Dalawang Mrs. Real, Beautiful Strangers, Someone To Watch Over Me, at The One That Got Away.

Samantala, maliban sa kanyang cameo role sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, may niluluto ring proyekto para kay Lovi ang GMA ngayong 2020 ngunit wala pang detalyeng inilalabas tungkol dito.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *