‘Little Princess’ ni Jo Berry, hindi matutuloy? Isang aktres, papalitan sa Kapuso serye

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang balitang lumabas sa isang sikat na entertainment website.

Ayon sa napaulat, baka raw i-cancel na muna ang isang teledrama dahil mabigat ang pinagdaanan ng bida.

Pumanaw raw ang isang kapatid niya dahil sa COVID-19, at dagdag pa ng source nito na nasa hospital na rin umano ang magulang niya at nakikipaglaban pa sa kanilang buhay.

Samantala, laman ng IG story ng aktres na si Kim Domingo ang kaniyang pakikiramay sa kaniyang kaibigan na si Perry Berry Jr.

Saad ni Kim sa kaniyang IG story, “Mamimiss kita perry! Maraming salamat sa pagmamahal mo at suporta simula umpisa. [crying emoji]

“Maraming salamat sa pagkakaibigan. Hindi pa din ako makapaniwala. Rest in peace bro [3 crying emojis] @theperrygram”

Si Perry ang nakatatandang kapatid ng Kapuso actress na si Jo Berry.

Photo Credit: thejoberry (IG)

Si Jo ang napiling bida para sa upcoming Kapuso TV series na Little Princess. Pero dahil nga sa matinding pinagdaraanan ng aktres, mukhang hindi muna matutuloy ang teleserye bilang respeto na rin sa namatayan.

Samantala, magsisimula na ang lock-in taping ng isa pang drama series ng GMA-7. Kasado na ang buong cast para sa first step na antigen test.

Kaya lang, may isa sa cast na nagpositibo kaya kaagad na pinalitan.

Napag-alaman naming si Myrtle Sarrosa na pala ang ipinalit sa isang Kapuso actress na nagpositibo sa antigen test.

Katatapos lang ni Myrtle gawin ang Nagbabagang Luha na napapanood pa rin hanggang ngayon sa GMA AfternoonPrime drama series.

Nakakalungkot lang ang nangyari sa isang aktres na nawalan ng trabaho dahil sa nagpositibong antigen test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *