Lilipat ba? Jackie Rice, gaganap na Valentina sa ‘Darna: The TV Series?’

Totoo kaya ang rumor na lilipat na sa Kapamilya Channel ang Kapuso star na si Jackie Rice?

Kapansin-pansin kasi na sa mga artikulong inilalabas ng GMA Network at iba pang entertainment sites na wala na si Jackie Rice sa cast ng upcoming series na Artikulo 247. Pinalitan na ba si Jackie ni Kris Bernal?

Taong 2015 pa nang huling nag-renew ng 5-year exclusive contract si Jackie sa GMA at wala pang napapabalita kung na-renew na siya.

Ayon naman sa Artists Catalog ng GMA Artist Center, wala na sa kanilang database ang pangalan ni Jackie Rice at si Jackie Lou Blanco na lang ang lumalabas.

Samakatuwid, mukhang freelancer na nga si Jackie at wala pang ibang napapabalitang gagawin niya sa GMA-7.

Ilang beses na ring natsismis na lilipat si Jackie. Una noong 2012 at ikalawa naman noong 2015. Tuluyan na kaya niyang iiwan ang kaniyang naging home network sa mahigit 15 taon?

Si Jackie Rice ay produkto ng StarStruck Season 3, kung saan siya ang itinanghal bilang Ultimate Female Survivor noong 2005.

Ilan sa mga pinakatumatak niyang karakter sa telebisyon ay bilang si Krisanta sa Ilumina (2010), Pearl sa Sisid (2011), Erica sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? (2012), at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *