Lee Young-Ae, pinalitan ni Lee Yo-Won sa Different Dreams

Maraming fans ang nalungkot nang i-anunsyong hindi na si Lee Young-Ae ang magbibida sa Drama Series na “Lee Mong” (Different Dreams).

Magdadalawang taon na rin noong huling lumabas si Lee Young-Ae sa isang drama series sa telebisyon, ang “Saimdang: Soulmates Across Time”.

Si Lee Young-Ae ay nakilala sa hit drama series na “Jewel in the Palace” na sinasabing nagpasimula ng Korean Wave sa buong mundo.

Ikinasal si Lee Young-Ae kay Jeong Ho-Young noong 2009 ngunit kamakailan lamang ay napabalitang hiwalay na raw ang dalawa.

Mayroong dalawang anak si Lee Young-Ae sa kanyang asawa.

Makalipas ang mahigit isang dekadang pamumuhay ng pribado, nagbalik si Lee Young-Ae sa Entertainment Scene at bumida sa “Saimdang: Soulmates Across Time” kasama ang actor na si Song Seung-Heon.

Dalawa sana ang naka-lineup na proyekto na gagawin ni Lee Young-Ae, ang Different Dreams na isang TV Series at ang pelikulang Find Me.

Dahil sa schedule ay pinili ni Lee Young-Ae na bitawan ang Different Dreams at mag-focus sa Find Me at sa kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *