La Diva, muling nagsama sa isang stage

Muling nagsama-sama sa iisang entablado ang La Diva members na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Jonalyn Viray, na ngayo’y kilala na bilang Jona, sa isang show sa Zirkoh comedy bar kagabi, February 8.

Isang netizen na nagngangalang Aber Dominguez ang nag-upload ng video ng kanilang performance kung saan inawit nila ang “Angels Brought Me Here” na original song ng Australian singer na si Guy Sebastian.

Ang “Angels Brought Me Here” ay ginamit na theme song ng hit Korean Historical drama series na Queen Seon Deok na ipinalabas sa GMA-7 noong 2010.

As of this writing, mayroon nang mahigit 400,000 views ang naturang post.

Ang La Diva ay nabuo sa defunct Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP noong 2008.

Taong 2013 nang umalis si Jonayln Viray sa La Diva at tuluyang nabuwag ang grupo noong 2015.

Lumipat si Jonalyn sa Kapamilya Network noong February 2016 kung saan ay naging exclusive artist s’ya ng Star Magic.

Sina Aicelle, Maricris, at Jona ay pare-parehong produkto ng GMA singing competition na Pinoy Pop Superstar.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *