Kylie Padilla, sumagot na sa isyung paglipat sa ABS-CBN

Mula nang kumalat ang balitang may dalawang premyadong Kapuso actress ang lilipat sa ABS-CBN, iba’t ibang pangalan na ang mga lumitaw na hula ng netizens.

Pero kalaunan ay pinangalanan na nga ang dalawang aktres sa blind item at ito ay sina Sunshine Dizon at Lovi Poe, pero hindi pa kumpirmado kung pati si Lovi Poe ay tutuloy sa pag-o-ober da bakod at inaasahang magsasalita na siya sa isyu kapag natapos na ang kaniyang teleserye sa GMA-7 na Owe My Love.

Bago pangalanan ang dalawang premyadong aktres, nabanggit rin ang pangalan nina Jennylyn Mercado, Bea Binene, at Kylie Padilla.

Si Jennylyn ay huling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network noong July 2019. Kadalasan ay 3 years ang expiration ng mga kontratang pinirmahan niya sa network kaya inaasahang mag-e-expire ang kaniyang recent contract sa May 2022 pa.

Isa si Jennylyn sa pinakamahalagang artista ng GMA Network dahil siya ang kauna-unahang produkto ng flagship talent search nila na StarStruck.

Si Bea Binene naman ay tila kontento na sa ibinibigay sa kaniyang projects ng network. Huli siyang napanood sa primetime series na Beautiful Justice na nagtapos noong January 2020. Napapanood pa rin siya sa GTV programs na Good News with Vicky Morales at OMJ: Oh My Job. Noong March 2018 pa huling pumirma ng exclusive contract ang aktres sa GMA Network.

Isa rin sa mga usap-usapang lilipat ang aktres na si Kylie Padilla, pero noong February 2019, nilinaw na ng aktres na Solid Kapuso siya at ayaw ng kaniyang asawa na si Aljur na iwan niya ang GMA Network.

Ngayong muli na namang nabubuhay ang rumor, hindi maiwasan ng netizens na matanong kung totoong lilipat na si Kylie sa ABS-CBN.

Sa kaniyang IG story, sinagot ni Kylie ang tanong kung lilipat ba sya sa ibang network at ang sabi niya lang ay, “I get this rumor every year.”

Wala mang direktang sagot kung oo o hindi, mukhang wala pa ring balak si Kylie na lumipat sa ibang network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *